Naghain ng demanda sa Tokyo Summary Court ngayong Miyerkules ang NHK upang pagbayarin ng TV reception surcharge ang tatlong residential complex ng lungsod.
Ito ang unang beses na naghabla ang public broadcaster gamit ang kanilang bagong patakaran na “mandatory payment” at kapangyarihang maningil sa mga institusyong ayaw magbayad ng carriage fee na itinakda ng Japanese Broadcast Act of 1950 o charter law ng NHK.
Hiling ng kumpanya sa korte na payagan silang bumuo ng kontrata upang masigurong remitted nang maayos ang bayarin ng tatlong di tinukoy na residential complex na napag-alamang nagmamatigas sa tuwing bibisitahin, tatawagan o hahatiran ng sulat kaugnay ng mga hindi pa nababayarang carriage fee
Hindi naman binunyag ng Tokyo Summary Court ang kabuuang halaga na dinedemanda ng NHK