Skip to content
Mabuhay Radio Japan Worldwide Mabuhay Radio Japan Worldwide

  • Ito ang Mabuhay Radio Worldwide!
  • About Us
  • Meet The Reporters
Mabuhay Radio Japan Worldwide
Mabuhay Radio Japan Worldwide

BRANCH NG BURGER KING SA SHIBUYA, NAGSARA NGAYONG HALLOWEEN UPANG IWASAN ANG MGA NANGGUGULO NA PARTYGOERS!

stephen perez, October 31, 2023

Literal na No Zombies Allowed ang abiso ng central branch ng Burger King sa Shibuya kaugnay ng kanilang pagiging sarado ngayong araw upang maiwasan ang pagsugod ng mga naka-costume ngunit magulo na Halloween participants.

Paliwanag ng official management ng BK Japan Holdings Company na nakabase sa katabing Chiyoda ward, nadala na ang organisasyon sa mga nakalipas na insidente ng biglaang pagsugod ng mga naka-costume ng multo at iba pang horror characters sa naturang branch upang gulatin ang mga customers kaya minabuti nilang magsara muna para ngayong araw upang masigurong ligtas ang mga empleyado

Ipatutupad naman hanggang bukas ng madaling araw ang liquor ban habang inaasahan ang hanggang animnapung-libong party people sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ni Shibuya Mayor Ken Hasebe na huwag nang magpunta doon dahil hindi isang Halloween destination ang naturang bahagi ng Tokyo at upang maiwasan rin ang kahalintulad ng naganap na crowd crush noong Oktubre 29 ng nakaraang taon sa Itaewon District ng Seoul, South Korea na kumitil ng 159 katao

Japan National News

Post navigation

Previous post
Next post

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Tweets by MRJWNews

Recent Posts

  • TRIVIA: Uso rin ba sa Japan ang Simbang Gabi?
  • Ilang prime commodities sa Japan nagmahal dulot ng “olive oil shock”
  • Konsehal ng Mangaldan, Pangasinan pinagtawanan online dahil ng pagbati sa hinirang na bagong Miss Universe
  • Walo sa bawat sampung Japanese, ganadong salihan uli ang mga year-end parties makalipas ang pandemya
  • Lolo sa Saitama, nang-carnap ng ambulansya: arestado!

Recent Comments

  1. คลิปหลุด ม on TUNGHAYAN ANG NAGING PAG-UUSAP NINA JOSE RIZAL AT DR. PIO VALENZUELA
  2. หนังโป๊บรรยายไทย on TUNGHAYAN ANG NAGING PAG-UUSAP NINA JOSE RIZAL AT DR. PIO VALENZUELA
  3. سورة البقرة مكررة on Mobile order service, inilunsad ng JR Tokaido kapalit ng physical snack carts
  4. gold ira companies on PM Fumio Kishida isosoli ang parte ng kanyang sahod matapos mabatikos kaugnay ng ipinasang wage adjustment law
  5. A WordPress Commenter on Kumusta Po Kayo?

Archives

  • December 2024
  • November 2023
  • October 2023

Categories

  • Japan National News
  • Jose Rizal Trivia
  • Philippine national news
  • Technology
  • Uncategorized

Mabuhay Radio Japan Worldwide. Copyright 2023

©2025 Mabuhay Radio Japan Worldwide | WordPress Theme by SuperbThemes