Markado kagabi ang mas manipis at mas disenteng pagdiriwang ng Halloween sa Shibuya. Ito ang naging paunang ebalwasyon ng mga otoridad kasabay ng naging paulit-ulit na panawagan ni Mayor Ken Hasebe upang huwag nang dumayo ang mga turista para lamang sa isang gabi ng takutan at trick or treat.
Punto ng turistang Amerikano na si Sabrina Harnois na nagbihis “gothic” sa kanyang pagtungo ng pamosong crossing, makabubuti umano ang naging panawagan ng alkalde dahil posibleng natulad sa crowd crush ng Itaewon District ng South Korea ang parte ng Tokyo kung hindi naging masipag ang pagpapaalala ng local government ngayong taon dahil noong 2019 ay napakahirap makipagsiksikan sa Shibuya dahil ng kapal ng tao.
Pero nanghihinayang naman ang menor de edad na si “Yuna” dahil ng sobra umanong paghihigpit ng higit apatnaraang security personnel. Minsan lang umano sa isang taon nangyayari ang Halloween at sa Shibuya lamang may tapang na ipakita ng mga tao ang pagpapahalaga ng okasyon
Paunang tantya ng LGU, 60,000 ang kanilang inasahan na dadayo ngayong taon