Inanunsyo ng Japanese government na isosoli ni PM Fumio Kishida ang parte ng kanyang sahod na madadagdag sa ipatutupad na Wage Adjustment Law dulot ng kaliwa’t kanang batikos mula sa taumbayan dahil tanging kanyang opisina lamang at mga cabinet ministers ang makakatikim ng umento habang sila ay nadedehado ng pagmahal ng araw-araw na gastusin
Paglilinaw ni Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno sa isang presscon, naiintindihan umano ng gabinete na tungkulin ng gobyernong panatilihin ang tiwala ng mamamayan at wala umanong intensyon si Kishida na samantalahin ang batas para lamang sa kanyang mga empleyado.
Matatandaang 460,000 yen ang inaprobahang taas-sweldo para sa Prime Minister habang may dagdag namang 320,000 yen ang mga cabinet ministers, dahilan upang pumalo ng 40.61 milyong yen ang taunang sweldo ni Kishida habang tig 29.61 milyong yen ang kanyang mga kalihim.
Dagdag pa ni Sec. Matsuno, balak ng administrasyon na kumbinsihin ang Japanese Diet na magsulong ng kahalintulad na wage increase law para sa iba pang rank and file na empleyado ng national ministries.
Pangamba ng ilang political commentators, posibleng umalat pa ang trato ng mamamayan sa kasalukuyang administrasyon na umano’y malamya ang pagtugon kaugnay ng lumolobong presyo ng pangunahing pangangailangan
Keep on writing, great job!