Umarangkada na ang mobile ordering service sa loob ng JR Tokaido Shinkansen kapalit ng pisikal na snack service sa loob ng bullet train na nagsara makalipas ang 59 na taong serbisyo dahil ng humihinang kita at mababang turnout ng mga gustong magtrabaho
Available ang mobile order service sa mga first-class Green Car users ng shinkansen gamit ang pag-scan ng QR code na nakakabit sa kanilang upuan
Labinlimang items ang initial offering ng bagong mekanismo na mas mababa kumpara sa 65 na ibinebenta ng dating physical snack carts.
Kabilang ang kinagigiliwang Sujahta “super premium” ice cream sa mga produktong ipinagpatuloy na ilako ng JR Tokaido. Sumikat sa mga train riders ang nasabing tatak ng sorbetes dahil halos kasingtigas na ng bato kung ito ay ihain sa mga mananakay bunsod ng paggamit ng “dry ice” o solidong carbon dioxide upang hindi ito malusaw sa biyahe.
I was suggested this web site by my cousin Im not sure whether this post is written by him as no one else know such detailed about my trouble You are incredible Thanks