Sinimulan na ng Narita Kokusai Prefectural High School sa Chiba Prefecture ang trial ng paggamit ng Artificial Intelligence upang maging partner sa pagpapabuti ng kakayahang makapag-Ingles ng mga estudyante
Sinusukat ng isang female character generated image sa computer ang lebel ng kahusayan gamit ang umuusbong na teknolohiya.
Pahayag ng estudyanteng si Miyuka Kanda, nangangamba siya na magkamali ngunit inalalayan siya ng virtual CGI upang itawid nang maayos ang pag-uusap
Binuo ng Equmenopolis Inc. mula Tokyo ang AI chatbot na gamit ng Narita Kokusai HS at planong gamitin nang walong beses ang nasabing practice sessions ngayong buwan ng Nobyembre
Paliwanag ni Equmenopolis CEO Yoichi Matsuyama, problema taun-taon ng Japanese education system ang kakulangan ng improvement sa pangkaraniwang gamit ng wikang Ingles at nagpapahirap sa sitwasyon ang iisang teacher na humahawak ng dose-dosenang mga estudyante kaya layunin ng kumpanya na gamitin ang artificial intelligence upang umagapay sa naturang sangay ng edukasyon