Inaaral na ng Dept of Foreign Affairs ang potensyal na pagtaas ng alerto sa nalalabing bahagi ng Israel kaugnay ng halos isang buwan nang bakbakan kontra Hamas.
Ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo de Vega, depende sa resulta ng pakikipag-usap ng kanyang team kay Pres. Bongbong Marcos, balak na gawin ang alert increase nang utay-utay bawat munisipalidad habang tumitindi war zone.
Kasalukuyang Alert Level 2 o “Restriction of Non Essential Movement” ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Israel habang Alert Level 4 o “Mandatory Repatriation” ang Gaza Strip na baluwarte ng Hamas.
Sakaling matuloy ang balak ng DFA, iaakyat patungong Alert Level 3 o “Voluntary Repatriation Mode” ang mas malawak na parte ng bansa na mayroong 30,000 trabahador kabilang ang caregivers at hotel workers na kailangang magkubli sa mga hagdanan ng kanilang mga pinagtatrabahuhan kada tunog ng Iron Dome defense system