Skip to content
Mabuhay Radio Japan Worldwide Mabuhay Radio Japan Worldwide

  • Ito ang Mabuhay Radio Worldwide!
  • About Us
  • Meet The Reporters
Mabuhay Radio Japan Worldwide
Mabuhay Radio Japan Worldwide

Lolo sa Saitama, nang-carnap ng ambulansya: arestado!

stephen perez, November 14, 2023

Himas rehas na ang isang 51 anyos na lolo sa Koshigaya, Saitama matapos na diumano’y tangayin ang isang ambulansya ng pribadong ospital sa lugar.

Kinilala ng Saitama Prefectural Police ang lolo bilang si Keiichi Kudo.

Base sa spot report ng otoridad, nangyari ang insidente pasado hatinggabi ng Linggo pagkababa ng ilang paramedics sa kanilang dalang pasyente. Tinyempuhan umano ng suspek na i-carnap ang ambulansya habang walang nagbabantay sa medical parking slot ng ospital.

Agad inalarma ng mga paramedics ang plaka ng ambulansya nang mapansing nawawala na ito sa paradahan kaya nagkasa ng hot pursuit operation ang mga elemento ng prefectural police hanggang maabutan si Kudo may kalahating kilometro ang layo mula sa ospital.

Lumitaw naman sa breath analyzer at sobriety test ng istasyon na impluwensiyado ng alak ang suspek na mahaharap sa kasong carnapping at paglabag ng National Traffic Law partikular na ang pagmamaneho nang lasing.

Japan National News

Post navigation

Previous post
Next post

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Tweets by MRJWNews

Recent Posts

  • TRIVIA: Uso rin ba sa Japan ang Simbang Gabi?
  • Ilang prime commodities sa Japan nagmahal dulot ng “olive oil shock”
  • Konsehal ng Mangaldan, Pangasinan pinagtawanan online dahil ng pagbati sa hinirang na bagong Miss Universe
  • Walo sa bawat sampung Japanese, ganadong salihan uli ang mga year-end parties makalipas ang pandemya
  • Lolo sa Saitama, nang-carnap ng ambulansya: arestado!

Recent Comments

  1. คลิปหลุด ม on TUNGHAYAN ANG NAGING PAG-UUSAP NINA JOSE RIZAL AT DR. PIO VALENZUELA
  2. หนังโป๊บรรยายไทย on TUNGHAYAN ANG NAGING PAG-UUSAP NINA JOSE RIZAL AT DR. PIO VALENZUELA
  3. سورة البقرة مكررة on Mobile order service, inilunsad ng JR Tokaido kapalit ng physical snack carts
  4. gold ira companies on PM Fumio Kishida isosoli ang parte ng kanyang sahod matapos mabatikos kaugnay ng ipinasang wage adjustment law
  5. A WordPress Commenter on Kumusta Po Kayo?

Archives

  • December 2024
  • November 2023
  • October 2023

Categories

  • Japan National News
  • Jose Rizal Trivia
  • Philippine national news
  • Technology
  • Uncategorized

Mabuhay Radio Japan Worldwide. Copyright 2023

©2025 Mabuhay Radio Japan Worldwide | WordPress Theme by SuperbThemes