Pumalo na ng limampung porsyento ang pagmahal ng ilang prime commodities sa Japan bunsod ng tinaguriang “olive oil shock” ng mga price watchdog
Partikular na tinukoy ng mga eksperto ang pagmahal rin ng presyo ng European olive oil na binibili ng mga Japanese dahil ng tumataas na demand. Pangunahing nagpatindi rin ng interes ng mga bumibili ng olive oil ang mga benepisyong nakukuha kabilang ang omega 3 na pangontra ng mga senyales ng atake sa puso.
Nagpapalubha pa ng “olive oil shock” ang pagkonti ng inaaning olives sa Europa bunsod ng global warming dahilan upang magtaas rin ng presyo ang mga Italian section ng department stores at mag-improvise ang mga restawran kabilang ang paghahalo ng sunflower oil upang hindi maapektuhan ang lasa ng kanilang menu items
Pero kumpyansa ang mga local olive oil producers ng Shodoshima, Kagawa Prefecture na hindi apektado ang domestic production ng olives dahil ng madalas na ulan at malamig na panahon.