Muling nagbilin kahapon ang Commission on Elections sa mga tumakbo noong BSKE 2023 na may mga importanteng petsang dapat pa rin silang sundin, pinalad man o hindi.
Partikular na tinukoy ng ahensya ang November 4 deadline upang tuluyang idispatsa ang mga campaign paraphernalia at ang November 29 due date upang isumite ang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE)
Alinsunod sa Republic Act No. 7166, o ang Synchronized National and Local Elections and Electoral Reforms Act, hindi puwedeng umupo ang sinumang nanalo hangga’t hindi inihahain ang SOCE na isang kumprehensibong dokumento na naglalahad ng mga inambag at gastos ng mga tumakbo sa loob ng campaign period. Kung mapatutunayan namang hindi nagsumite ng SOCE sa dalawang sunod na halalan ang kandidato, parurusahan siya ng permanent ban in holding public office