Para sa mga magbabakasyon patungo ng Japan at nag-aakalang may Simbang Gabi rin sila tulad ng mga Pinoy, hindi ito uso sa kanila at bilang lamang ang mga simbahang mayroong ganoong aktibidad upang paglingkuran ang Filipino community lalo na kung Pinoy ang paring nakadestino
May mahigit 430,000 Katoliko ang Japan ayon sa datos ng Catholic Bishops Conference of Japan ngunit mayorya ng nasabing numero ay limitado sa mga Hapon na may mga kaanak mula Brazil, mga purong Hapon na nanirahan sa Peru at mga Filipino-Japanese na nagpasiyang magpalit ng citizenship
Pangunahing pinagdarausan ng Simbang Gabi sa Japan ang Meguro Catholic Church dahilan ito ay pagtakhan ng mga Japanese na nagtatanong kung bakit ang daming mga Pilipino kapag misa ng madaling araw. Pinapaunlakan din ang Misa doon ng Philippine Ambassador to Japan, lalo na tuwing Disyembre 15
Nagsimula ang natatanging kaugalian ng “Simbang Gabi” sa Pilipinas bago ang Kapaskuhan ng 1669 bilang isang paraan upang makapagsimba ang mga magsasaka alinman sa mga oras bago o pagkatapos magtrabaho at tanging mga dating kolonya lamang ng Espanya ang nakakuha ng inspirasyon mula sa atin, partikular na ang Misa de Gallo