Ligtas na nasagip ang dalawang hostages sa isang post office ng Saitama makaraang arestuhin ng otoridad ang 86 anyos na gunman na nagpasimuno ng walong oras na standoff.
Kinilala ng pulisya ang suspek bilang si Tsuneo Suzuki na residente ng Toda City, Saitama.
Base sa impormasyon ng Saitama Prefectural Police, nangyari ang insidente sa Warabi City pagkatapos mamaril ng suspek sa isang ospital ng katabing Toda City na ikinasugat ng dalawa kabilang ang doktor at staff
Sinugod ni Suzuki ang post office at tinutukan ng modified na baril ang dalawang babaeng empleyado na ginawa niyang hostage. Kundisyon ni Suzuki sa otoridad na papuntahin ang isang hindi tinukoy na tao bago palayain ang mga bihag.
Bagaman mahigpit ang firearms possession laws ng Japan, patuloy pa ring kinukwestyon ang tibay ng implementasyon ng mga batas mula noong paslangin si dating PM Shinzo Abe